Saturday, October 9, 2010

a happy ending. :D

Kanina ang last formal (formal talaga? hehehe) meeting namin with our MIS professor Mr. Richard Peig, after ng reportings at kengkuyan kanina, nabusog naman kame sa treat at pictures ng galante nameng professor(naks!). Nakakatuwa na nakakalungkot kasi sa totoo lang, tuwing saturday lang ako natututo ng totoo. Naalala ko pa nung nalaman kong every saturday may klase, sobrang violent ng reaksyon ko! haha
Never pa kasi akong pumasok ng saturday sa buong buhay ko sa kolehiyo at ayoko din sana dahil; WALANG DISCOUNT ANG STUDYANTE 'PAG SABADO! LOL  at isa ko sa madaming hindi pumasok ng first meeting dahil matigas ang ulo at bunbunan ko! not knowing na i'll enjoy pala every saturday, though nung una nakakatakot kasi parang terror ung prof. but eventually, i find it enjoying na pumasok sa school every saturday(for real).
bukod sa lumalabas ang iba't-ibang kalokohan, looking forward din ako sa attire ni sir every week! haha
Minsan nang natawag bilang ARTISTIC GROUP dahil sa sobrang arte ng isang paper na pinasa namin sa kanya, at sa sobrang kaartehan non, huli kaming nagpasa. Ilang beses na rin kameng nasabihan ng "quiet" dahil sa sobrang kakatawa though buong klase naman eh maingay! kahit na minsan alam ko at napapansin ko na hindi na nakakatuwa ang kaingayan at wala na sa lugar, still he is so patient at nakukuha pa rin nya magjoke.
Sabi nya may mga natutunan daw siya samen., napaisip ako, siguro puro kalokohan yun! haha
isa na dun ang salitang "char char" at malamang sir, hindi ka na maninibago sa mga susunod na klaseng hahawakan mo dahil ang unang class mo eh sobrang gulo at sobrang  "chubby" ng brains sa pangangatwiran at pamimilosopo. :D
kahit na this day was the last day at siguro hindi nya ko kilala( ay! sigurado pala!:D)
sobra pa rin akong nagpapasalamat sa inyo for the discussions, ingay, LIBRENG LUNCH, tips,smiles and for making my semester worth studying!

I'll surely miss saturdays for that! 

--jeynee



0 comments:

Post a Comment