Thursday, September 9, 2010

A Drunken Man With Sense

Anong meron ka pero wala sayo? Make sense? Yan ang pinaka sensible na tanong na narinig ko sa isang lasenggo. Dati kasi, kundi kwentuhan na ‘di maintindihan, sobrang lakas na tawanan o kaya e kantahan na walang katono-tono at masakit sa tenga. Nung narinig ko yung tanong na yon, I was in highschool and yet until now, napapaisip pa din ako, ano nga bang meron ako pero wala saken? Ang hirap di ba? Ikaw? Anong meron ka pero wala sa’yo?
Nung una, sabi ko, siguro meron akong God pero wala saken. I told it to a friend but she said, “you never lost God, siguro minsan nakakalimutan mo lang sya tawagin but he never left you, he’s always with you.hindi ka naman masamang tao eh.” Hmmm.. may point naman. Hindi naman ako swindler, drug addict, magnanakaw, killer(ng ipis lang.ü), masamang anak o kaibigan, nagshashare pa nga ako ng sagot paminsan-minsan pag may alam talaga ko eh. Hahahahaha! Pero kundi si God, anong meron ako pero wala saken? Kumpleto naman pamilya ko, ok naman ako sa friends ko, Masaya namn ako sa buhay ko, ano kaya?
I never knew it not until November 2009, God took one of the most important person in my life, what’s more painful is losing him on the day before my 18th birthday. But I never blamed Him, kasi sa buong panahon na nakasama ko yung taong yun, I felt really happy and blessed. Hindi naman ako selfish para ibigay sa kanya yung mas makakapagpasaya sa kanya and that is to be with the creator, I know he’s in a good place right now at sabi nga nila, “Everything happens for a reason” maybe by now, I don’t know it yet but in God’s time, I know I will. Ngayon alam ko na, meron akong mahal though wla sa tabi ko,  nasa puso ko..

0 comments:

Post a Comment